Pinatibay ng Department of Education (DepEd) ang pagbibigay ng capacity building sa mga Parents-Teachers Association (PTA) sa lungsod ng Cagayan de Oro sa gitna ng mga nangyaring kaguluhan sa mga paaralan.
Nagpahayag si DepEd CDO Program Director Head Romeo Aclo na layunin nito na pataasin ang kaalaman ng mga magulang ukol sa mental health, social condition, at ang mga banta mula sa internet.
Sa pamamagitan nito, matuturuan ang mga magulang at guro sa pagmo-monitor sa kalagayan ng mga estudyante sa loob at labas ng paaralan.
Subalit, nagpaalala ang tanggapan na kinakailangan ang pagtutulungan ng lahat upang mapigilan ang violent behavior ng kabataan.











