Sumadsad ang cargo vessel na MV Foremost Traders sa Amadi Port, Lagonglong, Misamis Oriental noong Agosto 22, 2025 bandang 5:15 ng hapon, matapos maputol ang mooring line nito dahil sa biglaang pagbugso ng malalakas na hangin at pag-alon ng dagat.
Isang crew member ang nahulog sa dagat habang gumagawa ng routine works, ngunit agad na rumesponde ang MDRRMO, BFP, at PCG upang magsagawa ng search and rescue.
Ligtas na nailigtas ang 13 pang crew members at kontrolado na ang sitwasyon.
Patuloy ang pagbabantay sa lugar para sa karagdagang seguridad.