CAGAYAN DE ORO CITY – Maglalabas ng magkaibang resolusyon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) patungkol sa pangunahing mga isyu na mayroong direktang epekto sa sambayanang Filipino ng bansa.
Kinompirma ito ni CBCP president Caloocan City Archbishop Pablo ‘Bishop Ambo’ David sa katatapos nila na 128th plenary assembly na isagawa ng pinakaunang pagkatataon sa Mindanao partikular sa Cagayan de Oro City.
Sinabi ni David na kabilang sa tinalakay ng CBCP plenary assembly na palabasan nila ng makahiwalay na resolusyon ay ang isyu patungkol sa dinaranas na pagka-danyos ng inang kalikasan;bagong naipasa na panukalang batas ng absolute divorce at ang pagbuo ng oratio imperata para pagkamtan ng kapayapaan sa mas umiinit na sigalot ng geo-political tension na apektado ang Pilipinas.
Dagdag ng CBCP president na ang lahat na resolutions na kanilang napagkasunduan at ilalabas ay self-explanatory upang mas maunawaan ng publiko.
‘We will come up with pastoral statement to activley work against plastic pollution and support the ecological solid waste management endeavors of the government and non-government agencies. We will come up with the pastoral statement on the absolute divorce bill.That’s statement come out before the end of this week.We will issue an oratio imperata for peace in the context of growing geo-political tensions in our parts of the world.’
Magugunitang bago humarap sa publiko ang CBCP officials ay sumailalim muna sila ng ilang araw na religious retreat na dinaluhan nina Secretary of States Archbishop Paul Gallagher at Papal Nuncio of the Philippines Archbishop Charles John Brown sa Bukidnon bago tumungo sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental.