CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-confine ngayon ang mag-asawang sina Cagayan de Oro 1st District Representative Rolando ‘Klarex’ Uy at Carmen Punong Barangay Lorna Uy dahil nahawaan na rin coronavirus disease sa Cagayan de Oro City.

Ito ang kinompirma ng tagapagsalita ng kongresista na si Fred Dellava sa panayam ng Bombo Radyo CdeO.

Sinabi ni Dellava na bagamat nasa maayos at hindi umano peligro ang kalagayan ng kapwa senior citizens na mag-asawang elected officials habang sinusunod ang health protocols na ipinapatupad ng gobyerno.

Inihayag nito na lumabas na rin ang ibang resulta ng RP-PCR test ng mga kasamahan ng mag-asawang Uy at ang mga ito ay negatibo sa presensya ng bayrus.

Subalit inamin rin ni Dellava na mayroon pa sila na hinihintay na mga resulta sa swab test ng ibang mga tauhan ng kongresista na naka-house sa isang hotel nitong lungsod.

Si Fred Dellava,tigpamaba ni CdeO 1st District Rep Klarex Uy

Magugunitang halos hindi na nga lumalabas sa bahay ang mag-asawa dahil sa sila’y senior citizens na subalit napasok pa rin ng bayrus.