CAGAYAN DE ORO CITY-Nakatakdang magpapadala ng tulong-pinansyal ang pamahalaan ng Cagayan de Oro para sa mga lugar na sinalata ni bagyong Rolly sa bansa.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na gagawin ito ng lungsod para kahit papaano ang makatulong sa mga biktima.

Ayon kay Mayor Moreno, kabilang sa mga aabutan ng tulong ang Albay at Catunduanes.

Nasa isang milyong peso ang inilaan ng lungsod para sa mga biktima.