CAGAYAN DE ORO CITY – Pinasasara na ni City Mayor Oscar Moreno ang lahat ng mga malls sa buong Cagayan de Oro maliban lang sa grocery store at mga pharmacy simula ngayong araw.
Ang nasabing hakbang ang kabilang sa precautionary measures ng alkalde sa nagkataas na bilang ng kaso ng coronavirus disease.
Mahigpit na pinaalalahan ni Moreno ang mga residente na iwasan ang paglabas ng kanilang mga tahanan kung hindi kinakailangan upang makaiwas sa virus.
Inatasan ng alkalde ang mga police na ipatupad ang curfew hours hanggang alas-10:00 ng gabie at ipinapasara din nito ang mga bars at night market.
Una nang nilinaw ni Moreno na hindi siya magpapatupad ng lockdown sa Cagayan de Oro dahil malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng lungsod.
Disiplina sa sarili ang ipinapanawagan nito sa mga mamamayan upang makaiwas at hindi mahawaan sa nakakamatay’ng virus.
Kung maalala, aabot na sa walong PUI’s ang patuloy na inoobserbahan ngayon sa magkaibang hospital ng lungsod.