CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi muna prayoridad ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno ang pagsilbi sa suspension order laban kay Brgy Patag Kapitan Mary Cor Calizo.
Base sa inilabas na kautusan ng Ombudsman, suspendedo si Kapitan Calizo dahil umano sa kinakaharap na kasong ‘serious dishonesty and grave misconduct for the use of funds for road repairs’.
Sinabi ng alkalde na hindi muna niya prayoridad ang naturang hakbang dahil wala naman siyang kopya sa nasabing kautusan.
Aniya, nagsumite naman ng motion for reconsideration ang Kapitana.
Hinalimbawa din nito ang Ombudsman suspension order laban kay dating Brgy Puntod Kapitan Marvin Beja na hindi rin niya naisilbi dahil sa kawalan ng hawak na kopya.