CAGAYAN DE ORO CITY – Binaha na rin ang ilang bahagi ng Cagayan de Oro City bunsod ng mga pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan dala ng Bagyong Odette na huling namataan sa bahagi ng Cagara Region.

Kabilang mga pinasok ng pagbaha ay ang bahagi ng Recto Avenue na nagsilbing main road ng mga motorista ng eastern side ng lungsod habang malalim na rin ang tubig-baha sa kahabaan ng Kauswagan na patungo naman sa western direction ng Misamis Oriental.

Binaha rin ang porsyon ng Barangay Carmen na mayroong hawak ng pinakamalaking bilang ng populasyon ng lungsod.

Kaugnay nito,may ilang pamilya na mula sa mga tukoy na risgo ng pagbaha at pagguho ng lupa na lumikas patungo sa mas ligtas na mga lugar.

Photos from Mars Catane Medina

Kabilang sa mga napaulat na mayroon nang voluntary evacuations ay nagmula sa Barangay Bulua at Brgy Macasandig kung saan inilagay sila sa covered courts.

Bagamat wala pang naidulot na malaking mga perhisyo maliban lamang sa ilang mga empleyado na lumiban muna ng mga trabaho dahil hirap makatawid sa lugar nila dahil sa mga pagbaha.