CAGAYAN DE ORO CITY – Sumulat na si incumbent Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno sa bumubuo ng Inter-Agency Task Force (IATF) national upang personal na i-apela na higpitang muli ang quarantine restriction status sa araw-araw na mga gawain ng mga residente dito sa bahagi ng Northern Mindanao.
Ito ay matapos nasa high risk category na ang buong syudad epekto sa walang tigil na paglobo ng panibagong mga kaso ng impeksyon sa mga residente na nahawaan ng bayrus.
Inamin ni Moreno na ang malaking kumpiyansa ng publiko sa pamamagitan ng mga pagdalo ng mga pagtitipon katulad ng kasal,binyag,lamay,piyesta,birthday at pag-iinuman ang nangunguna na dahilan kung bakit araw-araw ay mataas na ang kaso sa lungsod.
Ito ang dahilan na napilitan umano siya na hihingiin sa IATF na ibalik sa General Community Quarantine upang limitahan muli ang paglabas ng mga residente kapag hindi mahalaga ang pakay ng kanilang mga lakad.
Una nang ikinalungkot ng city government ang sunuran na pagpanaw ng incumbent punong barangay officials na kinabilangan ni late Mary Cor Calizo ng Barangay Patag;late Aaron Neri ng Barangay Macasandig nitong syudad.
Nalagutan rin ng buhay si dating Misamis Oriental Board Member Santi Sabal;Cagayan de Oro Water District Board of Director Atty Mateo Delegencia at Romeo Naces mula sa local entertainment industry sa loob lamang ng Mayo nitong taon.
Sa kasalukuyan,hawak ng Cagayan de Oro City ang higit 6,000 positive cases kung saan halos 300 rito na ang kompirmadong nasawi habang nasa lagpas isang libo ang aktibong ginamot at 5,360 ang naka-rekober.
Magugunitang naka-code red na ang Northern Mindanao Medical Center na referred hospital sa mga pasyente ng COVID-19 dahil sa sobrang dami ng mga tinamaan na mga residente sa buong rehiyon.