CAGAYAN DE ORO CITY – Umani ng suporta mula kay 2015 Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach ang panukalang batas na magpaparusa sa magsagawa ng ‘condom-removal’ sa kasagsagan ng usaping ‘love making’ ng magka-opposite sex.
Ito ay matapos ipina-panukala nina Ako Bicol partylist Rep Alfredo Garbin at Elizably Co ang House Bill 3975 na ituturing na sexual assault kung magkunwari ang isang babae o lalaki na gagamit ng protective device subalit hindi totoo para lamang makisagawa ang pang mag-asawa na gawain.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Wurtzbach na pag-aaralan rin nito ang panukalang batas na inihain ni Garbin at Co upang mas maliwanag ang kanyang ibibigay na karagdagang reaksyon ukol sa usapin.
Inihayag ni Wurtzbach na sa kasalukuyang paninindigan,sang-ayon ito sa isinusulong ng mga mambabatas na isang sexual assault ang ‘condom-removal’ sa alinman sa sexual partner na nagsagawa ng pang mag-asawang gawain.
Aminado ang 29 anyos na Kagay-anon beauty queen na paglabag ito sa karapatan ng isang sexual partner subalit kailangang dapat ipaliwanag ng husto ng mga mambabatas sa publiko.
Una kasi rito,itinuring nina Co at Garbin na ‘stealthing’ ang ganitong gawain lalo pa’t ma-agrabiyado ang isa sa mga sexual partner.
Nakasaad sa panukalang batas,na makukulong ng ilang mga taon at pagmultahin ng P100,0000 hanggang milyong piso kung mapapatunayan na magkasala ang isang sexual partner.