CAGAYAN DE ORO CITY – Kumpiyansa ang kampo ni Olympian boxer Carlo Paalam na maipanalo nila ang pangalawang laban sa nagpapatuloy na Tokyo Olympics sa Japan ngayong araw.

Ito ay kasunod sa nakatakdang makakaharap nito na 2-time Olympian at nagsilbi rin na world ranking no.4 na si Algerian boxer Mohamed Flissi.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag sa coach ni Carlo na si Elmer Pamisa na mayroong silang nakikita na kahinaan ni Mohamed na kanilang inaaral na puntaryahin kapag nagkatagpo na ang mga ito sa boxing ring mamaya.

Naniniwala si Pamisa na kung masusunod at maisakatuparan ng tama ang kanilang fight plan ay hindi imposible na makukuha nila ang 5-0 points na papabor kay Paalam upang maka-abanse sa quarter finals sa susunod na linggo.

Si Olympian boxing coach Elmer Pamisa

Magugunitang sa unang laban ni Carlo ay tinalo nito ang 2-time Olympian mula sa Ireland na si Irish boxer Brendan Irvine via split decision noong nakaraang araw.