(Update)CAGAYAN DE ORO CITY – Activated na ang Regional Avian Influenza Task Force ng Department of Agriculture – Northern Mindanao matapos napasailalim ang 21 toneladang manok ng galing sa Bulacan province.

Kinumpirma ni National Meat Inspection Services Regional technical director Dr. Angie Barcelona ang ulat matapos matanggap ang department order sa pag-ban sa lahat nang papasok na poultry products sa buong rehiyon mula ng maideklara ang avian flu outbreak sa Pampanga.

Aniya, hinihintay muna nila ang resulta sa test matapos nilang isinailalim sa sanitary inspection ang mga naharang na mga produkto.

Nilinaw naman nito na dumating sa Oro Port nitong syudad ang naturang produkto bago pa naganap ang outbreak.

Samantala, inihayag naman ni Dra. Kristy Baylo, bird flu expert ng DA-10 na wala pang kasong animal to human transmission na kanilang natala matapos makadayalogo sa mga poultry farm owners at suppliers sa lalawigan.

Binanggit ng mga suppliers na bastante pa ang supplay ng karneng manok at itlog.

Iginiit ng ahensya na hindi humina ang demand ng karneng manok.

Base sa huling price monitoring ng ahensya walang pagkilo sa presyo ng bawat kilo ng karneng manok at maging sa itlog.