Kinuwestyon ng House Prosecution Panel ang paggamit ng confidential funds para sa surveillance na nakatuon lamang sa pagbisita ng Bise Presidente sa ilang lugar.
Rep. Zia Alonto Adiong binigyang-diin na karamihan sa mga aktibidad ay nakasentro sa pagbibigay ng seguridad sa biyahe ng Bise Presidente, gaya ng halimbawa sa Davao City kung saan inilaan ang malaking pondo para sa seguridad sa isang inauguration ng tulay.
Ayon sa kanya, ang tunay na layunin ng confidential funds ay para sa pambansang seguridad at hindi para sa personal na proteksyon.
Giit ni Adiong, dapat ibalik sa tamang katuwiran at lohika ang paggastos ng pondo upang matiyak na magdadala ito ng tunay na benepisyo at serbisyo para sa mamamayang Pilipino.











