CAGAYAN DE ORO CITY-Sinampahan na ng kasong murder ang apat na suspek na umanoy pumatay sa kanilang kadugo na si Ramil Nafarete, 42 anyos at chief tanod ng Brgy Pagalungan nitong lungsod.

Kinilala ang mga suspek na sina Adelfo Nafarete Sr., 67, Adelfo Nafarete Jr, 38, Edgar Nafarete, 48 at Arnold Udasco, 43-anyos.

Sinabi ni Lumbia Police Station Commander Capt. Valentines Baja na away sa pamilya ang ugat sa krimen.

Sinubukan pa umanong tumakas ang ilan sa mga supek matapos ang ginawang krimen ngunit agad naman itong nasakote ng mga otoridad.