CAGAYAN DE ORO CITY– Hindi na nailigtas pa ng mga doctor ang buhay ng chief of police ng Cogon Police Station na binaril sa ulo ng motorcycle in tandem suspects sa harapan ng isang memorial sa Brgy Bulua,Cagayan de Oro City nitong gabi.

Kinilala ang biktima na si Cogon Police Station commander Police Capt Abulcahar Armama na sakop ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) ng syudad.

Mabilis napasugod si Police Regional Office 10 Director Brig Gen Jaysen de Guzman dahil sa nangyari ng kanyang police officer na dinala pa sa Polymedic Plaza sa Brgy Kauswagan ng syudad.

Hindi muna nagbigay ng ibang sensitibong impormasyon ang heneral habang ipinag-utos sa kanilang intelligence community na tukuyin ang mastermind at mismong mga suspek pagbaril sa biktima.

Si Armama ang isa sa mga aktibong police officer pagdating sa kampanya ng illegal na droga sa mismong lugar na kanyang nasasakupan.