CAGAYAN DE ORO CITY – Sinibak sa pagiging chief of police si Capt Saludin Benasi sa Maranao Police Station na nakabase sa Lanao del Sur.
Ito ay matapos napabayaan nito ang pinaggagawa na umano’y mga ilegal ng kanyang tatlong tauhan na unang nahuli sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency -Bangsamoro Autononous Region in Muslim Mindanao sa Maguindanao.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Lanao del Sur Provincial Police Office Col Madzghani Mukaraam na dahil sa ‘command responsibility’ ay tinamaan si Benasi.
Sinabi ni Mukaraam na halata rin umano na nais takasan ng kanyang hepe ang obligasyon kaya tuluyan na itong sinibak sa pagiging kumander ng Marantaon PNP.
Nadismaya rin ang opisyal nang mag-positibo paggamit ng illegal drugs si Staff Sgt Fahmi Bangon Como na kasama ni Maranao PNP deputy commander Master Sgt Manjel Nassal Aradais at Patrolman Sandiali Mangundacan na naaresto sa loob ng pribadong sasakyan sa Maguindanao nakaraang linggo.
Una nang sinabi ni PDEA-BARMM regional director Juvenal Azurin na kinasuhan na nila ng drug selling at illegal possession of firearms ang mga suspek sa piskalya sa Central Mindanao.