CAGAYAN DE ORO CITY-Wala munang Chinese nationals ang pinapayang makapasok sa ilang lugar sa Nothern Mindanao partikular sa Isla ng Camiguin dahil sa takot na mahawa ng novel coronavirus.
Ito ang sinabi ni PDRRMO head Jejomar Bollosos sa panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Bollosos iniutos na ni Camiguin Governor JJ Romualdo na bantayan ang lahat ng mga paliparan at pantalan sa nasabing Isla upang kaagad na mapigilan ang mga Chinese na nagtatangkang bibisita.
Aniya, hindi na bali umano na magkaroon ng negatibong imahe ang kanilang isla lalo na sa Chinese community basta ang mahalaga sa kanila ay maging ligtas sa kinakatakutang virus ang kanilang mamamayan.
Ang isla ng Camiguin ay isa ra mga dinarayo ng mga turista na galing pa sa ibat-ibang bansa dahil sa mga magagandang tourist spot na nakapaloob dito.