CAGAYAN DE ORO CITY – Pansamantala na umiwas muna si Chinese President Xi Jinping na kumain ng mga putaheng karne.

Ito ay matapos mas lalong lumala pa ang banta na dala ng corona virus na kumitil na ng maraming buhay sa China.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng Pinay worker na si Mae Duran na nagmula sa Northern Mindanao na tila nag-vegetarian muna ang Chinese President dahil sa panganib na dala ng bayrus.

Inihayag ni Duran na nagbigay abiso rin si Xinping sa lahat ng mga residente sa China na limitahan muna ang paglabas at pagpunta sa mga lugar na maraming tao para maiwasan ang paglobo ng mga tao na tinamaan ng sakit.

Si Pinay worker Mae Duran

Magugunitang hindi naman nagkaroon ng panic buying ang mga tao subalit maaga umanong magsasara ang shopping malls epekto sa tumama na sakuna.