CAGAYAN DE ORO CITY – Nilangaw na umano ang mga sikat na chinese restaurant sa Amerika dahil sa patuloy na banta ng
2019 Corona Virus Disease.
Ito ang kinumpirma ni Bombo Radyo International Correspondent to New York City Dolly Ilogon sa Bombo Radyo.
Ayon kay Ilogon, wala nang kumakain sa mga restaurant sa Chinatown sa Manhattan, Flushing, Queens at New York dahil sa takot ng mga dayuhan na mahawaan sa virus.
Aniya, marami na rin mga malls ang nagsara at walang pasok ang iilang mga paaralan.
Sinabi rin nito na may mga malls na nagkaubosan na ang mga alcohol at tissue papers dahil sa panic buying.
Tumindi rin ang kaso sa looting sa loob ng mga maliliit na kainan sa loob ng 14 ka estado ng Amerika na apektado sa COVID-19.