(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Ligtas lahat ang mga nakasakay na mga piloto at crew mula sa bumagsak na UH-1H Huey chopper ng Philippine Air Force (PAF) na nagsagawa sana ng airlift rescue sa kasamahang sundalo na napasabak sa engkuwentro laban sa Dawlah Islamiyah Lanao terror group sa Barangay Lilitun,Madalum,Lanao del Sur.

Ito ay matapos nag-crash landing ang chopper na nagkakarga sana ng sundalong sugatan na unang napasabugan ng landmine na ginamit ng local terror group sa lugar kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihyag ni AFP Public Affairs chief Navy Capt Jonathan Zata ang masama umanong kalagayan ng panahon ang dahilan kung bakit bumagsak ang helicopter.

Inihayag ni Zata na dahil sa nangyari ay tuluyang bumigay ang hindi muna pinangalanan na sundalo ngayong umaga na tinamaan ng landmine.

Si AFP Public Affairs chief Navy Capt Jonathan Zata

Samantala,inaalam rin ang impormasyon na isa pang helicopter ang napaulat na bumagsak sa lugar nitong araw.