CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Nanawagan ang bagong brigade commander ng Philippine Army sa Lanao del Sur ng sama-samang pagsisikap na i-rebrand ang Lanao del Sur bilang lalawigan ng pag-asa o HOPE (Honest, Orderly, and Peaceful Elections) habang papalapit ang 2025 elections.

Sa kanyang talumpati sa Change of Command Ceremony ng 103rd Infantry Brigade, binigyang-diin ni Koronel Billy O. Dela Rosa, ang bagong hinirang na kumander, ang kahalagahan ng pagbabago ng imahe ng lalawigan at pagsira sa “stereotyped election violence”.

Nang harapin niya ang mga opisyales ng lalawigan, hiniling ng bagong komander ng 103IB na mahalin ng lahat ng mamamayan ang kanilang lalawigan, tulad ng pagnanais na maging payapa ang eleksyon sa Mayo, dahil hindi lamang sila ang makikinabang dito, kundi maging ang susunod na henerasyon.