CAGAYAN DE ORO CITY – Labis na nasaktan ang isang construction worker nang iniwan ito ng kaniyang maybahay dahilan upang nagpakamatay ito sa may Zone 9, Sitio Malasag Barangay Cugman nitong lungsod.

Hindi matanggap ng biktimang si Paul Oliver Flores, 32-anyos na siya ang dahilan ng pagkasira ng kanilang pamilya kung kaya’t naisipan nitong magpakamatay.

Nagbigti si Flores sa pamamagitan ng pagtali ng nylon rope sa kaniyang leeg sa harapan mismo ng natutulog niyang anak.

Patay nang nakita ng kaniyang mother-in-law ang bangkay ng biktima na nakabitin sa kanilang sala.

Base sa report, iniwan ng kaniyang maybahay si Flores matapos itong ma fall-out of love sa biktima dahil sa pagiging babaero.