Pinahigpit na ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) ang contingency plan ng lungsod laban sa posibleng epekto ng Super El Niño.

Ayon kay CDRRMD Head Nick Jabagat, nakatutok ang tanggapan at ang pamumuno ni Mayor Rolando “Klarex” Uy sa pagbibigay ng maagang tulong para sa mga magsasakang nagsisimula nang maapektuhan ng tagtuyot.

Naghahanda rin ang CDRRMD ng mga kagamitan at pagpapaunlad ng mga bukal para sa irigasyon upang maisalba ang mga pananim.

Bukod sa agrikultura, kabilang din sa naturang plano ang paghahanda sa posibleng pagbaba ng suplay ng tubig at sa epekto ng init sa kalusugan ng mga residente sa lungsod.