CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy paring umaakyat ang bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 dito sa Cagayn de Oro.

Sinabi ni Dra. Lorraine Nery, hepe ng City Health Office na panibagong dalawang locally stranded individuals ang nadagdag sa listahan nitong araw kaya’t umabot na sa 90 ang tinamaan ng coronavirus sa lungsod.

Sa naturang bilang, anim na rito ang buhay na kinitil ng virus.

Maswerte namang nakarekober ang 19 na mga pasyente matapos maisailalim sa gamutan at quarantine.