CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi kinilala ng kasalukuyang board of directors at management ng Cagayan de Oro Water District (COWD) ang full takeover ng interim officials na ipinadala ng Local Water Utilities Administration (LWUA) dito sa Cagayan de Oro City.
Kasunod ito nang pagsisimula na ng trabaho ng COWD interim board of directors at general manager alinsunod sa inilabas na board of trustees resolution ng LWUA na resolbahin ang kinaharap na mga suliranin ng city water district.
Sinabi ni COWD board of director Dr. Gerry Caño na hayagang nagmamalabis ang LWUA na manghihimasok sa internal affairs ng kanilang tanggapan kaya kinontra nila ito.
Katunayan,dumulog na sila sa Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) upang mabigyang linaw ang LWUA intervention sa COWD.
Kaugnay nito, dalawang set of board of directors at general managers ang nag-oopisina sa isang GOCC controlled na COWD.
Magugunitang nag-ugat ang pagkilos ng LWUA dahil sa utos rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos nagkaroo ng disputed payables at humantong ng pansamantalang pamumutol ng tubig ang Metro Pacific Water company ni Manny V.Pangilinan sa COWD noong unang linggo ng Mayo.