CAGAYAN DE ORO CITY – Magpapahinga at magbabakasyon upang makabawi sa mga panahon na nababawas para sariling pamilya.
Ito ang paglilinaw ni Chief PNP Gen Guillermo Eleazar patungkol sa walang humpay na haka-haka na taktakbo ito bilang senatorial candidate sa nakatakdang substitution schedule na ikinasa ng Commission on Elections sa darating na Nobyembre 15,2022.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ng heneral na pahinga at pamamasyal umano ang nasa kanyang isipan kasama ang sariling pamilya pagkatapos na makapag-retiro ito sa halos 40 na taon nitong karera mula junior hanggang naging senior officer ng PNP sa bansa.
Sinabi ni Eleazar na kung mangyari man na makapag-bakasyon na ito ay isa ang Misamis Oriental na babalikan niya dahil kampante siya sapagkat taga-Northern Mindanao rin si Police Regional Office 10 Director Brigadier General Rolando Anduyan.
Paglilinaw ito ni Eleazar dahil sa aktibo itong naglilibot sa mga regional office ng PNP at maingay rin ang kanyang pangalan sa social media kung saan mayroong sariling fan page sa social media.
Una rito,tumanggi muna na banggitin ng heneral kung sino ang senior officer ng PNP na karapat-dapat na papalit sa kanyang ibabakante na puwesto sa Noyembre 13.
Aniya,nasa DILG na ang bola para pipili ng mga pangalan ng senior officials para pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ang kanyang pamamaalam sa PNP.
Si Eleazar na pang-anim na CPNP ng Duterte administration ay miyembro ng Philipppine Military Academy Class of 1987 kung saan nagtapos ito bilang cum laude noong kanyang kapanahunan bilang kadete.