CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi pa nilubayan sa tropa ng 403rd Infantry Batallion,Philippine Army ang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na tugisin kahit nagkukumahog na ang mga ito pag-iwas sa aerial at ground movements ng government forces sa tatlong bayan ng Bukidnon.

Ito ay kahit nasa apat na umanong rebelde ang napatay sa engkuwentro na kinabilangan ng vice commander ng Guerrilla Front Malayag ng CPP-NPA’ North Central Mindanao Regional Command sa bayan ng Cabanglasan.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 403rd IB commander Lt Col Ferdinand Barandon na nakakalat ang kanilang tropa sa mga bayan ng San Fernando at maging sa Quezon at Cabanglasan dahil sa hinati ng 50 NPA combatants ang puwersa nito upang hindi madali matunton ng aerial assets ng gobyerno.

Ito ang dahilan na nalagasan umano ng apat ang mga kalaban kung saan isa pa lamang ang body count na hawak nila at nai-turnover sa local govt unit ng Cabanglasan.

Inihayag ni Barandon na hindi nila hahayaan ang mga natitirang rebelde na kanilang na-engkuwentro sa maraming beses dahil malinaw naman na nade-dehado na ang mga ito sa ngayon.

Katunayan na isa pang NPA member ang sumuko habang nakompiska sa encountsites ang M-16,M-14 rifles,improvised explosive devices at ibang mga gamit ng mga rebelde.

Si 403rd IB commander Lt Col Ferdinand Barandon

Bagamat pansamantalang humupa ang palitan ng mga putok subalit hinahapan pa rin ng militar ng maayos na tsansa na masalubong nila ang umano’y pagod at gutom na ng mga rebelde sa nabanggit na mga lugar.