DA-10 Nagbabala: 92,000 ektarya ng sakahan posibleng maapektuhan ng tagtuyot
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala si Department of Agriculture Region 10 Regional Executive Director Jose Apollo Pacamalan na aabot sa 92,000 ektarya ng lupang agrikultural sa rehiyon ang posibleng maapektuhan ng kakulangan sa tubig kapag nagsimula ang tagtuyot.
Dahil dito, nangangamba ang ahensya na masisira ang ani ng palay na nakalaan para sa 190 hanggang 200 araw na suplay ng pagkain sa buong Hilagang Mindanao.
Posibleng mag-import ng bigas mula sa ibang bansa upang maiwasan ang pagtaas ng presyo sa merkado.











