CAGAYAN DE ORO CITY – Binigyang-diin ni Agricultural Productivity Operations Office Acting Department Manager Engr. Bernie A. Daba Jr. na hindi dapat mapag-iwanan ang sektor ng agrikultura sa mabilis na urbanisasyon at paggamit ng makabagong teknolohiya sa Cagayan de Oro.
Sa isinagawang turnover ng mga kagamitan sa pagsasaka at pangingisda, namahagi ang lokal na pamahalaan ng solar-powered irrigation pumps, irrigation accessories, organic fertilizer, pumpboat engines, at fish aggregating devices sa lahat ng coastal barangays mula Bugo hanggang Bulua.
Sa hakbang na ito na isinabay sa Fiesta sa Kaumahan, ipinakita ng lungsod ang pagbibigay-halaga sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.











