Umakyat sa mahigit 886-libong tao ang naitala ng Police Regional Office-10 na dumatang sa iba’t ibang sementeryo sa Hilagang Mindanao sa natapos na obserbasyon ng Undas 2026.

Inihayag ni PRO-10 Spokesperson PMAJ Joann Navarro na tumaas ang nasabing bilang mula sa unang tinantyang 679-libo batay sa pinal na accounting ng mga Police Assistance Desk.

Bagamat dagsa ang tao kabilang ang mga bisita at turista mula sa labas ng rehiyon, tiniyak ng tanggapan na nanatiling payapa at walang malalaking insidenteng nakabalam sa kasaulugan.

Idinagdag ng opisyal na ipinasa na ng pamunuan sa mga field commander ang pagpapasya sa pag-pull out ng mga pulis depende sa seguridad ng bawat lugar.