Nilinaw ni Xavier University – Ateneo de Cagayan Social Involvement and Advocacy Program Director Nestor Mesias Banuag Jr. na hindi pag-atake sa isang pamilya o kulay sa politika ang Dapat Isa Lang People’s Initiative.
Sinimulan kagahapon ang relaunching ng naturang inisyatiba upang maipasa ang tunay na batas laban sa political dynasty sa pamamagitan ng online signature campaign.
Sa lungsod ng Cagayan de Oro, layunin ng grupo na makalap ang pirma ng tatlong porsyento ng mga rehistradong botante sa bawat distrito.
Para sa buong bansa, kailangang makatipon ng 7.5 milyong pirma upang opisyal na maihain ang naturang petisyon sa isang referendum.











