CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang mahigit sampong katao na kinabibilangan ng isang dating barangay kagawad at dalawang senior citizen dahil sa pagsasagawa ng illegal cockfighting sa Sitio Binakalan, Brgy Kimaya, Villanueva, Misamis Oriental.

Sinabi ni Villanueva Municipal Police Station Commander Capt. Rodney Gaid na una nang sinita ang iligal na aktibidad ngunit naghanap lamang ng ibang lugar ang mga sugarol at tinuloy ang kalakaran kayat ikinasa na ng mga pulis ang operasyon.

Aniya, nagtakbuhan ang mga tao ng kanilang madatnan ngunit nakorner sa bangin ang mga suspek kayat nahuli.

Narekober sa lugar ang mga buhay at patay na panabong na manok, at tari na siyang ginagamit sa sabong.

Inihanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.