CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang kasuhan ng pagbebenta ng ilegal na druga sa ilalim ng RA 9165 o “Dangerous Drugs Act of 2002” ang nahuling suspek na dating miyembro ng notoryos “hired killers” o tinaguriang Batang Mindanao -29 ng Zone-4, Brgy Bugo sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10) ang suspek na si Walter Rosero, legal age at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PDEA Agent Ben Calibre, nakalaya na si Rosero sa kasong frustrated murder na kinasasangkutan nito, subalit, ngayon nakasentro ang kanyang pamumuhay sa pagbebenta ng ilegal na druga.

Nakompiska ng mga otoridad sa posisyon ng suspek sa pamamagitan nga drug buybust operation ang isang malaking sachet ng pinaghihinalaang shabu at kalibre 45 na armas nga loaded ng mga bala.

Una rito, hinabol pa ng mga operatiba ang runner ni Rosero na bitbit ang aabot sa 15-20 pakete ng shabu.

Sa ngayon, subject for investigation na ang notebook na bitbit ng suspek kung saan nakalista ang buyers nito.