Inilarawan bilang isang “blue wave” ang ipinakitang tagumpay ng Democratic Party matapos opisyal na makuha nito ang pamamahala sa US Senate at House of Representatives sa katatapos lamang na US Midterm Elections.
Batay sa ulat ni Randy Famacion, Bombo International News Correspondent sa Chicago, Illinois, nakuha ng Democrats ang karamihan sa mga inihalalkang pwesto sa Kongreso laban sa nagharing Republicans.
Idinagdag pa ni Famacion na ang naturang pagbabago sa pamumuno sa US House ay inaasahang magdadala sa oposisyon sa pwesto ng House Speaker na magbibigay ng limitasyon sa mga lehislatibong plano ng administrasyon ni US President Donald Trump.









