CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala ang DepEd CDO sa malaking kakulangan ng guidance counselors sa mga paaralan.
Ayon kay Romeo Aclo, banta ito sa seguridad at mental health ng kabataan.
Iginiit niya na dapat kumilos ang barangay at mga magulang sa tamang paggabay sa tahanan.
Binanggit niya ang pangangailangan ng limitasyon sa mararahas na laro at balita.
Ipinaliwanag ng DepEd na hindi lamang ahensya o pulisya ang makalulutas sa krisis. Nanawagan sila sa media at komunidad na protektahan ang kinabukasan ng kabataan











