Sinuportahan ng Makabayan Bloc ang isinagawang hakbang ng Korte Suprema na nagdeklara na labag sa Saligang Batas ang ilang probisyon sa mga nakaraang pondo ng bansa.

Tinutulan ni Makabayan Bloc President Liza Maza ang mga pambabatikos na nagsasabing nanghihimasok ang korte sa kapangyarihan ng Kamara na gumawa ng badyet.

Nilinaw ng opisyal na ginawa lamang ng Kataas-taasang Hukuman ang kanilang tungkulin na suriin ang anomalisadong paggamit ng pera ng bayan.

Idinagdag din ng opisyal na matagal na nilang binabantayan ang mga naturang maling paraan sa paglilipat ng pondo na nagpapakita lamang ng pampolitikang interes.