Umaasa pa rin ang Liberal Youth Northern Mindanao na magbabago pa ang isip ni Naga City Mayor Leni Robredo at tatakbo ito sa 2028 presidential elections sa kabila ng pahayag nito na hindi na magpapapili.
Binigyang-diin ng lider ng grupo na si Andre Josol na batay sa kasaysayan ng politika sa bansa, maraming mga pangunahing kandidato ang tumangging magdeklara nang maaga tulad ng nangyari noon kay dating Presidente Rodrigo Duterte na nagsabing hindi tatakbo ngunit kumandidato pa rin sa huli.
Ipinaliwanag ni Josol na malayo pa ang taong 2027 at mayroon pang sapat na panahon upang makapaghanda ang buong hanay ng oposisyon.
Dugtong nito, ipinahayag ng youth wing ng Liberal Party na patuloy ang kanilang pagsusulong kay Robredo bilang pangunahing pambato ng kanilang grupo para sa darating na pambansang halalan.









