Nanawagan sa pagkakaisa at paggamit ng modernong teknolohiya ang pamunuan ng Vice Mayors’ League of the Philippines para sa mas maayos na pamamahala sa buong bansa!
Ito ang naging mensahe ni Cagayan de Oro City Vice Mayor at VMLP National Vice President for Mindanao Jocelyn “Bebot” Rodriguez sa pagbubukas ng 30th VMLP National Convention sa lungsod sa ilalim ng temang “One Legislature, One Digital Future.”
Ipinaliwanag ni Rodriguez na sa pamamagitan ng e-Legis reference system, mas madali na para sa mga bise alkalde ng maliliit na bayan ang pagtingin at pagsusuri sa mga magagandang ordinansa mula sa mga maunlad na lungsod sa isang pindot lamang.
Kaya naman iginiit ng opisyal na kinakailangang ayusin ang pagbibigay ng serbisyo publiko at patibayin ang proteksyon ng sistema laban sa cyber threats upang mas mapalapit ang gobyerno sa taumbayan.











