CAGAYAN DE ORO CITY – Pinayuhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño ang ibang narco-politicians na tuluyan nang hihinto sa kinasangkutan sa illegal drug trade.
Ito ay kung lalabas sa imbestigasyon na tinambangan-patay si Clarin,Misamis Occidental Mayor David Navarro dahil sa dati nitong pagkasali sa narco-politician list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Diño na nasa top of the situation umano ang pulisya upang alamin ang mga suspek na nasa likod nang pagpatay kang Navarro sa Cebu City kahapon ng hapon.
Inihayag ni Diño na totoong nasa listahan ni Duterte si Navarro subalit dati na rin itong lumapit kay DILG Secretary Eduardo Año upang linisin ang kanyang pangalan.
Magugunitang si Navarro ay kabilang sa ilan pang mga mayor na mula sa Misamis Occidental na ibinulgar ni Duterte na patuloy sa illegal drug trade kahit sa matinding banta nito na malalagay sa peligro ang mga buhay sa sumalungat sa pinaigting na anti-illegal drugs campaign ng gobyerno.