CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi nakapaniwala si Malaybalay City Bishop Jose Cabantan na miyembro ng Society of Saint John Vianney (SSJV) na kabilang pala ito na pina-trabaho ni Pope Francis upang makuha ang personal background nito para basehan na italaga bilang susunod na arsobispo ng Archdiocese ng Cagayan de Oro.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Cabantan na tubong Lagonglong,Misamis Oriental na nabigla ito nang ipagbigay alam sa kanya ang impormasyon na siya na ang itinalaga ni Pope Francis na arsobispo bilang papalit kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na matagal na sana nag-retiro.
Sinabi ni Cabantan na sasabak ito ng ilang linggo na panalangin at meditation upang kausapin ang Panginoon kung talagang karapat-dapat siya na tatanggap ng bagong katungkulan na mamumuno sa mga Kristiyano sa Cagayan de Oro,Misamis Oriental at Camiguin province.
Inamin nito na malaking hamon para sa kanya na ipagpatuloy ang mga programa na iiwan ni Ledesma lalo na ang usapin ng environmental protection sa Northern Mindanao.
Si Cabantan na 63 anyos na ay unang na ordinahan pagka-pari sa kanyang hometown ng Lagonglong noong Abril 30,1990.
Naatasan sa maraming church assignments bago tuluyang itinalaga bilang obispo ng Malaybalay City,Bukidnon simula taong 2010.
Si Cabantan na papalit sa 75 anyos na si Ledesma ay magsilbing panglimang arsobispo ng lungsod simula nang maipatayo ang Sr San Agustin Cathedral noong 1624.
Kabilang sa mga naging pinuno ng simbahang Katolika ng Archdiocese ng Cagayan de Oro ay sina Archbishop Santiago Hayes,Archbishop Patrick Cronin at Archbishop Jesus Tuquib na lahat pumanaw na.