(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaninindigan ng Diocese of Malaybalay City na hindi totoo ang paratang na nasangkot ng kasong panggagahasa laban sa isang babae sa Lala,Lanao del Norte ang pari na pinatay kamakailan sa bahagi ng Bukidnon nitong linggo.

Ito ang paglalahad ng spiritual director ni late Rev Fr Rene Regalado na si Rev Fr Virgilio Delfin nang nai-kuwento nito sa mga parokyano na dumalo sa inaalay na banal na misa sa San Isidro Cathedral ng Malaybalay City.

Inihayag ni Delfin na bilang matalik na kaibigan ay alam niya ang lahat ng mga pinagagawa at maging ang mga kahinaan ng biktima.

Sinabi ni Delfin na patunay na hindi umano totoo ang kasong rape ay negatibo ang naging crime laboratory examination kaya pansamantala napalabas ng korte dahilan na binigyang exile ni Iligan City Diocese Bishop Jose Rapadas III pabalik sa Bukidnon.

Si Rev Fr Virgilio Delfin

Ito ang dahilan na hiling nila sa mga otoridad na bigyang hustisya ang masakit na pagkapatay ng biktima.

Magugunitang nagtamo ng lima na tama ng kalibre 45 nga baril ang ulo ng pari maliban sa mga bugbog mula sa hindi pa kilalang armadong mga suspek noong nakaraang Enero 24 ng gabi sa lungsod ng Malaybalay,Bukidnon.