CAGAYAN DE ORO CITY-Nakataas ngayon ang alerto ng Department of Health (DOH)-10 kasabay sa celebration ng pyesta ni Saint Agustine dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Base sa inilabas na memorandom ng DOH-10 na pirmado ni regional director Adriano Subaan, naka code white alert ang tanggapan mula kahapon Agosto 27 hanggang bukas Agosto 29.

Ibig sabihin, ipinahahanda ang mga medical workers at ospital sa posibleng tawag na kanilang trabaho.

Bukod sa pyesta, kasabay din nitong araw ang pagtalaga kay Archbishop Jose Cabanta bilang ika-limang arsobispo ng lungsod.