Ibinulgar ni Lay Theologian Wilson C. Amad na libo-libong mahihirap ang namatay nang walang gamot habang nililibing umano ng Department of Health (DOH) ang mga suplay.

Ayon sa kanya, negosyo at kickback ang tunay na dahilan ng pagbili ng gamot ng ahensya.

Mismong mga forwarder umano ang nagkumpirma ng utos na itago at ilibing ang medisina. Dahil dito, tinanong niya kung bakit nananatiling tahimik ang Commission on Audit sa naturang usapin.

Giit ni Amad, malaking paglapastangan ito sa karapatan ng tao at hindi dapat ipagsawalang-bahala.

Nanawagan siya ng agarang imbestigasyon upang matukoy ang lawak ng kapabayaan.