Hindi pwedeng gamiting proteksyon upang pagtakpan ang pag-abuso sa pondo ng bansa ang Doktrina ng Operative Fact.

Nagpahayag si United People’s Initiative President Atty. Virgilio Reyes Garcia sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo na isang impeachable offense ang isinagawang ilegal na pagdaragdag at pagbabago sa national budget mula 2024 hanggang 2026.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ng abogado na mag-a-apply lamang ang naturang doktrina kung ipinatupad ang batas sa pamamagitan ng mabuting hangarin at hindi sa mga walang malinaw na proyekto tulad ng flood control.

Dahil dito, nanawagan ang grupo na sampahan ng kaso at bawiin ang lahat ng pondong inilabas sa pamamagitan ng bad faith at paglabag sa Konstitusyon.