CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ng pamilya Dormitorio ang mismong alumni ng Philippine Military Academy (PMA) na tuluyan nang wakasan ang kultura ng hazing na umano’y pinagggawa pa rin ng ilang mga kadete sa loob ng akademya.
Kasunod ito ng kanilang hamon na sana magsilbi ‘eye opener’ at tuldukan na ang mga nangyayaring pananakit ng ilang upperclassmen sa bagong pasok na mga kadete ang kaso ni late PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio kung saan tatlong principal accused ang pinatawan ng life sentence guilty verdict ng korte sa Baguio City noong nakaraang linggo.
Sinabi ng kapatid ni Darwin na si Dexter Dormitorio na batid ng lahat kung gaano kahirap ang pagkamtan nila ng hustisya dahil marami sa PMA alumni ang nagalit kung bakit pinalutang ang usapin gamit ang media.
Dagdag ng nakakatandang Dormitorio na dati ng mayroong kadete na namatay dahil sa hazing higit 20 taon na ang nakalipas subalit naulit ito sa katauhan naman ng kanilang kapatid na si Darwin.
Magugunitang pinatawan ni Baguio City Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Ligaya Rivera ng reclusion per pertua sina dating PMA Cadet Class Shalimar Imperial Jr;Julius Carlo Tadena at Felix Lumbag Jr.