CAGAYAN DE ORO CITY – Nadadagdagan pa ang bilang ng mga tinaguriang ‘modern heroe’s sa gitna ng pandemya na dala ng coronavirus diseases dito sa Northern Mindanao.

Ito ay matapos walang humpay ang pagtugon ng mga kababayan na mayroong ginintuang puso at malasakit para sa kapwa kaya sumugod para maka-donate lamang ng kanilang dugo sa inilunsad blood letting activity na partnership ng Bombo Radyo Philippines,Philippine Red Cross habang nagkaisa naman ng hangarin ang Northern Mindanao Medical Center at pribadong sektor na nakabase sa lungsod.

Ito mayroong kaugnayan sa panibagong 77 katao bilang successful blood donors na dumalo sa proyekto sa covered court ng Barangay Iponan at Regional Training School ng PNP-10 sa Barangay Patag ng Cagayan de Oro City.

Nakalikom ang Northern Mindanao Medical Center ng 23 blood bags mula sa successful blood donors na mga miyembro ng Oro Builders Eagles Club.

Samantala,umaabot naman sa 54 successful blood donors na mga pulis ang nakunan ng PRC sa loob ng PNP-10’s training school.

Kapwa inihayag nila PRC blood manager Dra Christina Marie Pelaez at Oro Builders Eagles Club President Dong Villapañe na ang panigbagong tagumpay b patunay ito na kahit sinubok man ng pandemya subalit hindi padadaig ng pandemya makapag-extend buhay lamang sa mga taong mas nangangailangan ng tulong masagip ang buhay.

Lahat naman ng mga nakunan ng dugo ay nakatanggap ng ‘Dugong Bombo’ t-shirts bilang sourveiner at pagpapasalamat sa mga tumugon ng tuloy-tuloy na inisyatiba ng Bombo Radyo Philippines.

Ito na ang pang-apat na blood letting activity partnerships ng Bombo Radyo at ibang grupo sa loob ng Nobyembre kung saan nasa 207 blood bags na ang magagamit ng mga pasyente na mas nangangailangan ng blood transfusions.