CAGAYAN DE ORO CITY – Magkasukatan umano ang Pilipinas at Estados Unidos ukol sa mga nangungunang interes nito kahit matagal nang magkaalyado.
Ito ang pananaw ng political analyst na si Ramon Casiple kaugnay nang katatapos lamang na makulay na halalan ng Amerika kung saan nakakuha ng 290 electoral votes si Democrats Presidential Candidate Joe Biden kumpara kay US President Donald Trump na 214.
Inihayag ni Casiple sa Bombo Radyo na wala masyadong malaking pagbabago sa kasalukuyang bilateral relations ang dalawang bansa.
Ito ay kahit lumutang ang mga haka2 na maiipit ang Duterte administration kung sakali hahalungkatin ni Biden ang isyu sa extra judicial killings ng bansa na una nang tinuligsa ng ilang Democrats senators nitong taon.
Aniya, hindi daw ito basta basta mangyari dahil ikokonsidera din ng Amerika ang interes nito sa West Philippine Sea na militarily controlled na ng China.
Dagdag nito na kung tutuusin ay talagang lalapit umano ang US upang kunin muli ang suporta ng Pilipinas para sa WPS territorial issue.
Bagamat naninniwala ang nabanggit na political analyst na sa kabuuan ay hindi basta basta tatalikod ang bawat isa nagbago man ang administrasyon ng White House dahil sa malalim na nitong ugnayan higit pitong dekada na ang nakalipas.