CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ng grupong EcoWaste Coalition ang bumubuo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na ipatupad ang pagban ng mga paggamit ng firecrackers at fireworks sa nakatakdang pagsalubong ng Bagong Taon sa bansa.

Photos from Ecowaste Coalition Philippines

Ito ay upang mas mapahalagahan pa ang kalusugan ng publiko hindi lamang sa mga maaring maputukan o masugatan dahil sa mga gagamiting mga paputok bagkus ay proteskyon kontra local transmission ng coronavirus disease pandemic.

Inihayag sa Bombo Radyo ni EcoWaste Coalition chemical safety campaigner Thony Dizon na sana mayroong positibong tugon ang IATF-EID sa liham na kanilang ipinapadala upang magkaroon ng panibagong resolusyon na mapatupad ang total ban ng mga ito.

Sinabi ni Dizon na hindi lamang naka-sentro upang mabigyang pangangalaga ang kalikasan subalit direkta na rin sa publiko ang isinusulong nila na kahilingan laban sa pandemya.

Dagdag nito na mas makabubuti para sa mga tax payer na gagamitin na lamang nila ang kanilang pera pandagdag gastusin para laban ang krisis ng ekonomiya kaysa masasayang lamang dahil sa mga pagbili ng mga paputok.

Si EcoWaste Coalition chemical safety campaigner Thony Dizon

Naniniwala ang grupo na kakatigan ng IATF-EID ang kanilang ipina-panukala dahil batay sa pag-aaral ng mga eksperto na pahihinain ng toxic gases at pollutants mula sa mga paputok ang immune system ng mga tao na mas madali mahawaan ng COVID-19.