CAGAYAN DE ORO CITY – Iminungkahi na ng mga negosyante na agad nang kopyahin ng Pilipinas ang mga epektibong hakbang ng Tsina kung paano nila napigilan ang paglobo pa ng mga taong nahawaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) na unang umatake sa huling bahagi ng Disyembre 2019.
Ito ang ibinigay na payo ni Oro Chamber of Commerce President Robert Pizarro ng Cagayan de Oro City sa gobyerno upang hindi na malagay pa sa mas mahirap na sitwasyon ang bansa kung tatagal at titindi pa ang dulot ng bayrus.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Pizarro na bagamat bagsak ang ekonomiya ng buong bansa subalit tanging mahigpit na pagpapatupad ng mga hakbang na epektibo rin ang makakaligtas sa mga mamamayan laba sa COVID-19.
Inihayag ni Pizarro na mayroon din sila pakikig-ugnayan sa China upang makabili ng Personal Protective Equipment (PPE) para magamit ng frontliners at maging sa mga residente ng lungsod.
Inamin ng opisyal na malaking negosyante rin nitong syudad na sobra-sobra na ang pagkalugi ng mga negosyo kaya umaasa sila na makahanap ng epektibo na paraan ang gobyerno para makapagsimulang muli mula sa hindi inaasahan na pagbagsak ng ekonomiya.
Magugunitang kasakuluyang naka-virtually lockdown lamang ang buong Cagayan de Oro City dahil ayaw nito na tuluyang mawawala ang government public service at enonomic operations sapagpat regional business hub ito sa Northern Mindanao.