CAGAYAN DE ORO CITY– Iginiit ng Dept. of Agriculture (DA) na hindi pa ‘epidemic’ ang naging epikto ng African Swine Fever (ASF) dito sa bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na nakasentro lamang sa pitong lugar sa probinsiya ng Rizal at Bulacan ang outbreak level ng ASF.
Ginagawa umano ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang lahat ng paraan upang ma-contain ang nasabing sakit at hindi na ito makahawa sa mga pigerry sa iba pang probinsiya, lalong-lalo na dito sa Mindanao.
Hinikayat naman ni Sec. Dar ang lahat ng Local Govt. Units (LGU’s) na isangguni sa kanilang tanggapan ang lahat nitong mga hakbang laban sa ASF upang hindi magpa-panic ang ta-ong bayan.